Papunta sa CEBU. XD
nang nabalitaan ko na pupunta kami sa cebu, agad akong nasabik na pumunta doon dahil pag ako ay naroon, ako ay nagiging masaya. nang sumapit ang araw ng pagpunta namin sa cebu, ako ay nagmadaling gumising at naghanda. bago kami umalis ay nanigurado kami na dala na namin ang lahat na aming kailangan haban kami ay nandun. sa paliparan na kami nag amusal dahil wala nang oras mag almusal sa bahay dahil maaga ang aming biyahe papuntang cebu at kinakailangan naming maging maaga para di kami makasama sa siksikan. okey lang lamang ang aming paglalakbay papuntang cebu gamit ang eroplano. nakarating kami sa cebu makalipas ng isang oras. pagdating namin sa pandaigdigang paliparan ng mactan sa cebu ay dumiretso agad kami sa labasan ng bagahe upang kukun ang aming mga gamit. medyo natagalan kami para makuha ang aming gamit. nang nakuha na namin ito, pumila na kami sa labasan. may guwardya na nakaabang sa labasan upang siguraduhin na ang bagaheng nakuha ng mga pasahero ay tunay na kanilang pagmamay-ari. nang kami ay nakalabas doon ay naghintay na kami sa aking pinsan. medyo natagalan kami sa paghihintay. nang dumating na ang aking pinsan kasama ang kanyang asaya at 2 tita, agad nya kaming binati at tinulungan sa pagsakay ng aming mga bagahe patungo sa sasakyan ng aking pinsan. nag kanyang sasakyan ay pick-up na bago. nang pasakay na kami sa sasakyan ng aking pinsan, nagkaroon kami ng problema. hindi kami lahat kasya sa loob. ang solusyon na aming naisip ay ako at ang aking kapatid ay sa likod kasama ng mga bagahe. nang kami ay nakaalis, hindi naging masarap ang papapatili namin sa likod, dahil panahon ng tag init yun, sobrang init sa likod pero medyo nakakatulong ang hangin na sumasalubong sa akin habang gumagalaw ng mabilis ang sasakyan at ang aking kasuotan noong papahong iyon. nang kami ay nakarating sa bahay ng aking tita, nag pananghalian kami dito at nagpahinga ng sandali dahil pagod na kami. hindi ganun kainit ang kanyang tahanan dahil maraming puno na nakapaligid dito. ilang sandali lamang ay umalis na kami at naglakbay papunta sa bahay ng aking pinsan. dito na kami nagpalipas ng gabi. kinabukasan ay namasyal kami sa mga tanawin sa cebu katulad ng magellan's cross, lapu-lapu shrine atbp. Di na ako masyadong nasiyahan dahil dati ay madalas ako makapunta sa mga tanawin na ito. lumipas ang mga ilang araw ng pamamalagi namin sa cebu ng isang buwan. payo ko sa mga ibang tao na pumunta sa cebu dahil magandang lugar ito ng bakasyunan at masaya.