PERSONAL NOTES

makalipas ang isang term ng pag-aaral ng FILDLAR may mga reaksyon ako sa ibat-ibang mga aralin..
  1. Masaya ang FILDLAR. nakakapag share kami ng aming mga opinyon sa ibat-ibang aralin.
  2. ang ibang pinapanood namin sa FILDLAR ay hindi ko maintindihan. katulad ng pelikulang PINOY BLONDE. pero masaya panoorin ang pelikulang JOLOGS.
  3. Hindi ganun kahirap matuto sa FILDLAR dahil ang ibang mga tinuturo dito ay "common sense" na lamang.
  4. natuto kami magsulat ng maayos at tamang kommentaryo sa isang pelikula.
  5. salamat Dr. Rhod Nuncio dahil marami kaming natutunan sa inyo. :)

Papunta sa CEBU. XD

nang nabalitaan ko na pupunta kami sa cebu, agad akong nasabik na pumunta doon dahil pag ako ay naroon, ako ay nagiging masaya. nang sumapit ang araw ng pagpunta namin sa cebu, ako ay nagmadaling gumising at naghanda. bago kami umalis ay nanigurado kami na dala na namin ang lahat na aming kailangan haban kami ay nandun. sa paliparan na kami nag amusal dahil wala nang oras mag almusal sa bahay dahil maaga ang aming biyahe papuntang cebu at kinakailangan naming maging maaga para di kami makasama sa siksikan. okey lang lamang ang aming paglalakbay papuntang cebu gamit ang eroplano. nakarating kami sa cebu makalipas ng isang oras. pagdating namin sa pandaigdigang paliparan ng mactan sa cebu ay dumiretso agad kami sa labasan ng bagahe upang kukun ang aming mga gamit. medyo natagalan kami para makuha ang aming gamit. nang nakuha na namin ito, pumila na kami sa labasan. may guwardya na nakaabang sa labasan upang siguraduhin na ang bagaheng nakuha ng mga pasahero ay tunay na kanilang pagmamay-ari. nang kami ay nakalabas doon ay naghintay na kami sa aking pinsan. medyo natagalan kami sa paghihintay. nang dumating na ang aking pinsan kasama ang kanyang asaya at 2 tita, agad nya kaming binati at tinulungan sa pagsakay ng aming mga bagahe patungo sa sasakyan ng aking pinsan. nag kanyang sasakyan ay pick-up na bago. nang pasakay na kami sa sasakyan ng aking pinsan, nagkaroon kami ng problema. hindi kami lahat kasya sa loob. ang solusyon na aming naisip ay ako at ang aking kapatid ay sa likod kasama ng mga bagahe. nang kami ay nakaalis, hindi naging masarap ang papapatili namin sa likod, dahil panahon ng tag init yun, sobrang init sa likod pero medyo nakakatulong ang hangin na sumasalubong sa akin habang gumagalaw ng mabilis ang sasakyan at ang aking kasuotan noong papahong iyon. nang kami ay nakarating sa bahay ng aking tita, nag pananghalian kami dito at nagpahinga ng sandali dahil pagod na kami. hindi ganun kainit ang kanyang tahanan dahil maraming puno na nakapaligid dito. ilang sandali lamang ay umalis na kami at naglakbay papunta sa bahay ng aking pinsan. dito na kami nagpalipas ng gabi. kinabukasan ay namasyal kami sa mga tanawin sa cebu katulad ng magellan's cross, lapu-lapu shrine atbp. Di na ako masyadong nasiyahan dahil dati ay madalas ako makapunta sa mga tanawin na ito. lumipas ang mga ilang araw ng pamamalagi namin sa cebu ng isang buwan. payo ko sa mga ibang tao na pumunta sa cebu dahil magandang lugar ito ng bakasyunan at masaya.

Impeachment kay PGMA! Ibinasura ule..

bagsampa nanaman ng impeacement ang opposisyon sa administrasyon ni PGMA. Katulad ng mga nakaraang impeachment compaint, ito ay ibinasura. para sa akin ay wag na sana magsampa uli ng kaso ang opposisiyon dahil kung ano ang mga nangyari sa mga nakaraang complaint na ginawa nila laban sa ating pangulo sa naibabasura rin ito. hayaan na alng nila matapos ang termino ni GMA na magtatapos sa 2010 at mapapalitan na rin siya.

BALITA! Pacquiao nagplaplanong mamulitika sa hinaharap!

si manny pacquiao ang ating pambansang kamao, siya ay isa sa mga nagiging dahilan ng pagkakaisa ng sambayananv pilipino kapag magkakaroon sya ng laban sa boxing. Dahil rito, napag isipan nya maging isang politiko. para sa akin ay sana'y huwag na sya makisama sa labanan sa pilitika dahil hindi iyon ang laban na dapat nyang salihan. Mas maganda na lamang na gawin nya ang dapat gawin at ito ay pag isahin ang sambayanan kapag ito ay lalaban sa boxing. Di na nya kailangan pumasok sa pulitika para lamang pag isahin tayo bilang isang sambayanan. tama na yung kanyang ginagawa sa ring at pinapaaliw tayo sa kanyang angking galing sa boxing.

rebyu sa pelikulang Rush Hour 3

ang rush hour 3 ay isang kasunod sa mga nakalipas na mga pelikulang rush hour 1 at 2. ikinekwento rito ang isang grupo na responsable sa mga kaguluhan na nagaganap sa mga nakalipas na pelikula. Dito na rin makikita ang tunay na sanhi ng pag atake sa embasador ng tsina. Ang panunahing tauhan sa pelikulang ito ay si Jackie chan bilang si inspector lee at si Chris Tucker bilang si officer James Carter. Katulad sa mga nakalipas na mga pelikula na kanilang iginawa, di nawala ang katatawanan sa pelikula at ang aksyon na kasama nito. Pero mas nanaktuwang panoorin ang pelikulang ito dahil naging malaim na ang relasyon ng dalawa di tulad sa unang dalawang pelikula. Para sa akin  dapat panoorin ng iba ang pelikula na ito dahil itong pelikula na ito ay nakakatawa at talagang ikinatuwa ko ito. ang rating ko rito ay 5/5

rebyu sa pelikulang TWILIGHT

nang naging isang bestseller ang librong Twilight, ito ay ginawan ng isang pelikula na hango sa libro. Di ko pa nababasa ang libro nung ipinanood ko ang pelikula at ito ay aking nagustuhan pero marami ang nagsasabi na ang pelikula daw ay pangit dahil maraming ibinago sa pelikula at halos hindi daw naisunod ang mga nakasulat sa libro. Dahil sa aking pagdududa, binasa ko ang libro. Ako ay nadismaya sa pelikula dahil marami ang mga tinanggal sa libro. Ang aking huling masasabi tungkol sa pelikula na ito ay sana man lang ay hindi nila masyado ginalaw ang mga nakasaad sa libro at sana man lang ay inayos nila ang make-up sa mga aktor at aktres dahil sobrang puti nila na. Hindi rin ito ang nakasaad sa libro.. ang aking rate? 3/5